Nag-alarm ako ng aking cell phone. Hindi ko alam kung bakit hindi siya tumunog. Siguro ay biglang naubusan ng baterya o nagkamali lang ako ng oras na na-i-set. Tumingin ako sa bintana ng aking kwarto. Napatalon ako sa gulat dahil pasikat na ang araw at kakagising ko lang. Simula noong elementarya, maniwala man kayo o hindi, ay hindi pa ako nale-late sa pagpasok. Mukhang ito na ang unang beses na male-late ako. Ano ba ang nangyayari sa akin?
Sa sobrang kaba ko, hindi ko na natignan ang oras. Kinuha ko na agad ang tuwalya ko at dali-daling bumaba mula sa aking kwarto. Naaamoy ko ‘yung niluluto ni mommy. Hindi ko masabi kung pork chop o pritong bangus. Nakita ako ng nanay ko na humaharipas ng takbo.
“Drex! Drex!”
Tinatawag niya ako habang ako naman ay papasok ng banyo na parang walang napapansin sa paligid. Hindi ko na siya natanong ng “Bakit?”
Pumasok agad ako sa banyo at naligo. Nagmadali ako at parang limang minuto lang yata ang itinagal ng aking pagligo. Muntikan ko pang makalimutang mag-sipilyo. Paglabas ko ng banyo ay wala si mommy. Nasa kwarto yata. Tatanungin ko sana kung bakit niya ako tinatawag kanina. Nakahain na ‘yung pinrito niya at kanin na lang ang hinihintay. Takbo ulit ako.
Umakyat na ulit ako sa kwarto para magsuot ng scrub suit. Kulay luntian ‘yung isu-suot ko dahil Miyerkules noon. ‘Yun ang araw para sa green scrub suit. Hindi ko na masyadong naayos ang kama ko at ang iba kong gamit. Bumaba na ako para umalis at pumasok sa trabaho.
“Mommy, aalis na ‘ko!”
Napasigaw na ako sa sobrang pagmamadali. Simula nung gumising ako hanggang makapagbihis ako ng scrub suit ay parang kinse minutos lang ang itinagal. Hindi ko na nga nagawang kumain, eh.
Hindi yata ako narinig ng nanay ko. Bago ko ulitin ‘yung sigaw ko upang magpaalam ulit, may bigla akong naalala.
Hindi ko naisuot ang aking wrist watch. Balik ulit ako sa kwarto ko para kuhanin ang aking relo. Hindi kasi ako pwedeng pumasok nang hindi suot ‘yun dahil kailangan ‘yun sa pagbibilang ng respiratory rate at cardiac rate ng mga pasyente. Alangan namang manghiram pa ako sa kasamahan ko? Sa isip-isip ko, sige, sampung segundo ang ilalaan ko sa pagkuha ng wrist watch sa aking cabinet.
Late na ako.
“Drex! Kakain na!”
Habang pababa ulit ng hagdan ay sumasagot ako,
“Hindi na ako kakain! Male-late na ako sa ospital!”
Nagtaka ang nanay ko.
“Ah, pang-gabi ka pala ngayon. Maaga pa para sa 11 PM mong duty ah.”
Saka lang ako napatingin sa oras sa aking kakasuot pa lamang na wrist watch.
“5:57 PM”
Tangina, PM ang nakalagay. Gumuho ang mundo ko.
Balik sa kwarto at palit ulit ng damit. Bukas pa pala ng umaga ang pasok ko. Naloko ako ng sunset. Akala ko ay sunrise.
Nagpapak na lang ako ng pork chop at natulog ulit.
Simulan na natin mga bata. Handa, awit.

Hindi naalala ni ma’am na may pagsusulit ngayon. Ang nararamdaman ng buong klase deep inside:

Hanggang may isang epal na nilalang sa sulok ng silid-aralan na nagsabing, “Ma’am, ‘di po ba may long written exam tayo ngayon?”

DIE NOW.
GIF? No need.
This was the exact statement I heard from a patient’s relative.
Who: Not important.
Where: Room 3-1-something
When: At around 7:55 PM (giving of medications)
Why: I don’t even know why he said that.
Epic.
Oo, masarap dilaan. TMI.
“Mas kaya ko pang mahalin ang basura kaysa sa’yo.”
Enough said.