Two ampules of epinephrine, a cardiac monitor, and a mechanical ventilator are enough to make me live.
128 beats per minute
Posts tagged "travel"

Indeed, water is my element.

Masaya ako kapag beach o kahit anong body of water ang pupuntahan tuwing may gala lalo na kapag out-of-town with friends, family, or colleagues. Nakaka-relax kasi sa pakiramdam kapag nakakakita ako ng tubig. Gumagaan ‘yung pakiramdam ko tuwing may view nito. Trip ko rin ‘yung nasa bangka tapos nakatitig lang sa malayo habang nasa gitna ng dagat. Ang sarap lang sa pakiramdam na humahampas sa’yo ‘yung tubig ng dagat at ‘yung hangin ng paligid.

Ilan lang ‘yung mga larawan sa itaas na magpapatunay sa mga sinabi ko. Ma-imagine ko lang ‘yung view ng dagat habang sunrise o sunset ay napapangiti na ako.

(1) Caramoan, (2) Puerto Galera, (3) Pagsanjan, (4) Cagayan de Oro, (5) Nagsasa, (6) Anawangin, (7) Laiya, (8) Matabungkay, (9) Singapore

Sayang at hindi ko maisasama dito ‘yung Majayjay. ‘Di bale, sa last week ng buwan na ito, mapapadpad ako doon. Sana rin pala ay magkaroon ako ng out-of-town escapade with Tumblr people. LOL

Masarap sa pakiramdam ‘yung pag-upo sa tabing-dagat habang pinapanood ‘yung pagdating ng malalaking alon at paggalaw ng mga matatabang ulap. Parang wala ka sa reyalidad.

Ayaw mo nang umalis.

Ako ba ang Tamaraw na hinahanap mo? Huwag kang mag-alala, nandito lang ako. Handang manuwag para sa’yo.

Ngayon lang ako nakabawi ng tulog mula nung bumalik ako galing Puerto Galera. Derecho pasok na kasi ako nung gabi pagdating namin nung Miyerkules kaya naman hindi agad nakapag-update. Ang sarap lang magbakasyon. Kapag pumupunta ako sa ibang lugar, hindi talaga maalis ‘yung pakiramdam na ayaw mo nang umalis. Tipong ayaw mo nang umuwi dahil ang babalikan mo ay isang nakaka-stress na paligid. Kaya lang, hindi naman pwedeng puro bakasyon na lang. Sadyang babalik ka sa reyalidad at haharap ka ulit sa mga bagay na nagdudulot ng stress.

Maulan nung umalis kami. Buti na lang at pinagbigyan kami ng panahon nung dumating kami doon. Maaliwalas at hindi bumabagyo kahit paambon-ambon ng kaunti. Ang sarap lang talaga mag-relax at mag-unwind. Isa pa, mas lalo mong maa-appreciate ang kalikasan dahil sa ganda nito. Marami rin kasing pwedeng gawin tulad ng snorkeling, fish feeding sa gitna ng karagatan, pagsakay sa banana boat, parasailing, etc. ‘Yung talagang masasabi mo sa sarili mo na, “Ay, may ganito pa pala sa Pilipinas.”

Kasama kong nagpunta sa Puerto Galera ‘yung ilang kasamahan ko sa trabaho. Masaya sana kung kaming lahat ang nagpunta kaya lang hindi naman maaaring ipasara panandalian ang Pediatrics Department. Haha. Hindi naman kami pwedeng magsabay-sabay ng off at leave. ‘Yun lang ang mahirap kapag sa ospital nagta-trabaho. Pili lang ‘yung mga pwedeng umalis na magkakasama. Gustuhin mo man na lahat kayo ay makaalis, imposible dahil kailangang may maiwan sa trabaho.

Ayun, kaya naman sinulit namin ang tatlong araw dahil alam naming bihira lang mangyari na workmates ang kasama mo sa out-of-town trip. Sulit na sulit. Iba talaga ang dating ng beach kapag gusto mong mag-relax. Salamat, Puerto Galera. Sa susunod ulit!

Aprub!

“What happens there, stays there.”

Kakauwi ko lang kani-kanina mula sa lalawigan ng Zambales. Kasama ko ang college friends ko na mag-unwind sa magandang isla ng Nagsasa sa Mt. Pundaquit. Sa totoo lang, kaming anim lang ang nandun kasama ang mga caretaker ng lugar kaya naman solong-solo namin ang paligid.

Mahabang kwentuhan, pagbabad sa magandang dagat, masarap na inuman, at pagmumuni-muni ang bumuhay sa amin doon. Napagkasya din naman ang mga pagkain kahit papaano. Ang sarap lang magmasid sa paligid. Nakakatuwang isipin na marami pa ding magagandang lugar dito sa atin na hindi natin alam.

Ganitong klase ng pampatanggal stress ang kailangan ko. Kahit dalawang araw lang kami doon, sobrang saya naman. Sulit na sulit, kumbaga.

Next target: Caramoan, Camarines Sur (hopefully by January 2012)

You’re so close yet so far.

Cagayan de Oro City, Misamis Oriental | November 2011

Day 3

Ito na ang huling araw namin sa Cagayan de Oro kaya naman hindi maaaring hindi namin ito masulit. Hinintay namin sa hotel ‘yung tita ng kaibigan ko na sasama sa amin sa Del Monte Plantation at Dahilayan Zipzone. Nagpa-reserve na din pala kami ng pastel sa Vjandep nung Day 2 at kukunin na lang pagkatapos naming manggaling sa Dahilayan.

Namangha ako sa lawak ng Del Monte Plantation sa Bukidnon. Tinalo nito ang mga pinya na makikita sa Silang, Cavite. LOL

5% pa lang siguro ng kabuuang plantation ‘yang nasa ibaba. LOL

Dumerecho na kami sa Dahilayan, Manolo Fortich, Bukidnon upang subukan ang longest zipline in Asia.

Ang sarap tahakin ng 840-meter zipline. Ang ganda din kasi ng view kaya na-enjoy namin! Pagkatapos nun ay dumerecho kami sa Del Monte Clubhouse upang mag-tanghalian at upang matikman ang kanilang steak. Sinubukan din naming dumaan sa Bukidnon Community Cooperative upang bumili ng masarap na cow’s milk kaya lang wala daw delivery kaya hindi kami nakatikim.

Bumalik na kami sa hotel pagkatapos kumain upang mag-check out at upang kunin ang ipinagawa naming pastel.

Pagkatapos naming makuha ang mga gamit namin ay nagtungo naman kami sa Ostrich and Crocodile Farm. First time kong makakita ng buhay na ostrich! LOL

Ostrich eggs!

Pagkatapos sa farm ay pumunta kami sa Divine Mercy Cathedral upang makita ang malaking rebulto ni Jesus Christ at upang makainom ng healing water. Milagroso daw ang lugar na ‘yun sabi ng karamihan.

Bawal ang above-the-knee shorts kaya naman pinagsuot ng palda ang mga kasama naming babae.

Halos mag-a-alas sais na ng hapon nang umalis kami sa Divine Mercy Cathedral. Dumerecho kami sa Panagatan upang kumain ng hapunan. Maraming salamat sa tito ng kaibigan ko dahil inilibre niya kami. Hehe.

Off to Manila! Good bye, CDO! :(

Souvenirs and delicacies!

The famous and delicious pastel!

Ang hamon na hinanap-hanap namin at akala namin ay hindi na namin mabibili. LOL

Yeah, I really love Cagayan de Oro! :)

Key chains, bracelet, and refrigerator magnet na binili pagkatapos ng river rafting.

Starbucks tumbler straight from CDO! :)

Kahit na medyo gumastos kami, sulit na sulit naman ang stay namin sa Cagayan de Oro. Kahit na masakit ang buong katawan at tatlong araw lang kami doon, masaya naman ang experience namin. Hindi naman kasi mapapantayan ‘yung masasaya at kakaibang karanasan mo sa ibang lugar.

Isa lang talaga siguro ang nakakapanghinayang. Hindi ko na-meet ang CDOkada. Kita naman siguro sa mga larawan at sa itinerary namin kung bakit. LOL Pero, gusto ko talaga silang ma-meet lalo na ‘yung mga nakakausap ko dito sa Tumblr. ‘Di bale, may iba pang chance. Hehe.

Muli, daghang salamat, CDO! Sa muli nating pagkikita! :)

(Day 1, Day 2)

Day 2

Nag-almusal sa hotel at doon hinintay ang guide na magtu-tour sa amin sa buong siyudad.

City tour: Capitol University Museum of Three Cultures, MacArthur’s Memorial Marker, Macabalan Wharf, St. Augustine Church, Xavier University (Ateneo de Cagayan) Museum

Una naming dinaanan ang Museum of Three Cultures. Madami akong natutunan sa kultura ng mga taga-Mindanao pati kung paano nagsimula ang sibilisasyon sa Cagayan de Oro. Nakakamangha din ‘yung na-preserve nilang items. Mahusay din kasi ‘yung guide sa loob ng museum kaya naman na-engganyo din kami.

Pagkatapos ay pumunta naman kami sa MacArthur’s Memorial Marker sa may Macabalan Wharf. ‘Yan ‘yung malaking sumbrero ni Douglas MacArthur. LOL

Hindi na kami nagtagal sa Marker. Pagkatapos ng picture-taking, pumunta na kami sa St. Augustine Church. Doon namin nasilayan ang krus na ilang daang taon nang nag-e-exist ayon sa mga tao doon.

Huling destinasyon namin ay ang Xavier University (Ateneo de Cagayan). Sinilip namin ang museum nila na naglalaman ng iba’t ibang bagay na may kinalaman kay Dr. Jose Rizal. Hindi namin napuntahan ‘yung ibang kwarto dahil ginagawa daw.

Dahil gipit na kami sa oras, minarapat na naming tapusin ang city tour. Pupunta pa kasi kami sa Mapawa Nature Park upang mag-river trekking, river sliding, free fall jumping, at rappelling. Sa McDonald’s na lang kami kumain ng tanghalian upang hindi time-consuming.

Pagkatapos naming sumakay sa traktora na ‘yan, naglakad pa kami ng malayo papunta sa ilog. Halos magpaltos ang mga paa namin sa matarik at masukal na daan. Adventure talaga!

Nakakamangha ang puno na ito sa sobrang laki at taas. Parang USTe daw ang puno na ‘yan. 400 years old!

River slide!

Free fall jump na dalawampung talampakan ang taas! Phew!

Dalawampu’t limang talampakan na pagra-rappel!

Ang sarap mag-river trekking. Ramdam na ramdam mo ‘yung force of nature. LOL Saka sana ay ma-preserve ‘yung ganda at linis ng ilog at gubat. Bihira na lang kasi ang ganun ngayon.

Ito pala ‘yung isang remembrance. Nabutas ‘yung board shorts ko habang nagra-rappel! LOL

Pagkatapos namin pumunta sa Mapawa Nature Park, bumalik na kami sa hotel upang magpalit ng damit. Naisipan naming pumunta sa Limketkai Mall at Robinson’s CDO upang bumili ng t-shirts bilang souvenir. Nagpunta din kami sa Missy Bon Bon upang tikman ang masarap nilang ice cream. Nag-ikot-ikot sa paligid ng Ketkai hanggang makaramdam ng antok. Hehe.

Kahit na naghuhumiyaw na sa sakit ang mga kalamnan at kasu-kasuan namin, ‘di kami naawat sa paggala. LOL

(Day 1, Day 3)

(Babala: Mahaba ang post na ito.)

Dahil sa sobrang pagod, ngayon lang ako nagkaroon ng oras na mag-kwento tungkol sa Cagayan de Oro trip naming magba-barkada. Nakabalik kami ng Maynila nung Linggo bandang alas onse ng gabi. Natapos ang weekend namin na masakit ang katawan, pero sobrang saya naman. Adventure kasi talaga ang ginawa namin sa Cagayan de Oro.

Let the pictures tell you the story.

Day 1

Indeed, the city of golden friendship! :)

Pagdating namin sa hotel, kumain muna kami saglit sa malapit na kainan sa may Cogon Market. Hindi na kami naghanap ng iba pa, gutom na gutom na kasi kami. Pagdating sa lutong manok, mukhang panalo din ang CDO. Ang sarap din ng pansit nila.

Pagkatapos kumain, pumunta kami sa Limketkai Mall at nag-ikot-ikot. Nagpalamig lang kami saglit.

After manggaling sa Limketkai Mall, bumalik na kami sa hotel at hinintay ang service na magdadala sa amin lugar kung saan gagawin ang river rafting. Ito ang pinaka-highlight ng unang araw namin. Paddle forward! High five! LOL

Lumusong din kami sa isang part ng ilog.

Matapos ang halos tatlong oras na pag-traverse sa ilog, kumain muna kami sa Cabula Grill tapos derecho na ulit sa hotel. Masarap na naman ang lutong pansit. Haha.

Pumunta naman kaming Divisoria para umikot. Para din siyang Divisoria dito sa Maynila na maraming tiangge. Bumili kami ng puyat (durian) na noon ko pa lang natikman. Hindi naman pala mabaho ang amoy niya, sadyang matapang lang ang amoy.

Pumunta ulit kami sa Ketkai para kumain naman ng hapunan. Sa Agua Restaurant kami kumain at doon ko natikman ang ostrich meat.

Bumili din kami ng tumbler from Starbucks na may nakalagay na Cagayan de Oro. Ispesyal daw kasi ang tumbler na ‘yan. LOL

Bumalik na kami sa hotel ng bandang alas diyes ng gabi upang makapagpahinga bilang paghahanda sa mga gagawin kinabukasan.

(Day 2, Day 3)