Pagkatapos kong basahin ‘yan, napaisip ako ng malalim. Oo, totoo nga na nangyayari ‘yung “50 Secrets” na ‘yun araw-araw sa ospital. Nandiyan ‘yung mga bagay na hindi naiintindihan ng mga pasyente tungkol sa trabaho ng isang nurse. Nandiyan din ‘yung mga bagay na hindi nakikita ng mga pasyente na nagpapahirap sa mga nurse. Higit sa lahat, nandiyan ‘yung mga bagay na akala ng iba ay madali lang para sa mga nurse.
Pero sa kabila ng lahat, tuloy pa rin ang trabaho dahil ito ang sinumpaang tungkulin. Lahat ng aspeto ng aming buhay ay nagagamit 24/7 - pisikal, emosyonal, sosyal, mental. Akala ng iba, madali lang. Akala lang nila ‘yun.
Bigyan ko kayo ng isang sikreto na sobrang sumang-ayon ako:
50. “A simple ‘Thank you’ can really make my day.”