Two ampules of epinephrine, a cardiac monitor, and a mechanical ventilator are enough to make me live.
Recent Tweets @
130 beats per minute
Posts tagged "random"

Tama lang na ilagay sa baba ng post ‘yung heart-shaped button para kapag gusto mo ‘yung post na nabasa o nakita mo, hindi ka na ulit mag-scroll pataas. Madali nang i-like.

College batch mate: “Bossing, ano New Year’s Resolution mo?”

Ako: “Uso pa ba ‘yang mga ganyan?”

College batch mate: “Oo naman. Dali, ano? Ako, susubukan kong hindi na manigarilyo.”

Ako: “Ako naman, hindi na ako magma-masturbate. Haha!”

College batch mate: “Oo nga, hindi na nga uso ang mga New Year’s Resolution. Tang ina ka!” (sabay konyat sa akin)

LOL

Sa tantiya ko ay 10:15 PM ako dumating sa ospital kagabi para sa aking duty. Nakita ko ‘yung nanay nung pasyente namin na madalas naa-admit sa ospital habang ako ay nagta-time in sa biometrics namin. Bigla niya akong niyakap sa likod.

Nanay: “Si _____!”
Ako: “Ano pa ang nangyari ka _____? Na-confine ulit? Bakit po?”
Nanay: “Nasa PICU.”
Ako: “Bakit po? Nahirapan po ba ulit huminga? Nag-chest pain po ulit?”
Nanay: “Wala na siya. Hindi na niya kinaya.” (humahagulgol)
Ako: (speechless)

Ilang segundo rin ang nakalipas bago ko nasabi ang salitang “condolence.” Hindi ko kasi talaga alam ang magiging reaksyon ko. Ang hirap pala ng ganun kapag itinuring kang hindi iba ng mga kamag-anak ng pasyente mo lalo na ‘yung madalas na naa-admit. Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko. Habang naglalakad ako sa elevator, naiisip ko ‘yung mga alaala ni ______ sa tuwing nao-ospital siya. Hindi ko maiwasang mangilabot at mangilid ang luha. Noong mga sandaling ‘yun, parang ayaw kong umakyat sa PICU at makita ang katawan ni ______ na wala nang buhay.
Dumerecho muna ako sa pedia ward upang magpalipas ng oras. 10:35 PM na nun sa orasan. Iniisip ko ng mga oras na ‘yun na sana ay dumating na ang mortician at ma-release na ang katawan dahil parang ayaw ko makita ang kinahinatnan ng bata. Hindi rin naman ako nakatiis at bumaba na ako sa PICU. Bumaba na rin ako para tumulong sa kapalitan kong nurse. Nakakapanlumo. Makabasag-puso ang eksena. Kinakausap ng mga magulang ang kanilang anak. Ang bigat sa pakiramdam.
Buti na lang at hindi na na-endorse sa akin ang katawan dahil bago pa sumapit ang 11:00 PM ay nakuha na ng punerarya ang katawan ng bata. Ipinalinis ko na lang ang PICU pagkatapos mailabas si ______ at inayos ang mga nagamit nung code blue. Nakakakilabot nung pinatay ko ang mga ilaw ng PICU. Siya lang kasi ang pasyente namin kaya naman isinara ko na ulit ito. Pagkatapos maayos ng PICU ay umakyat na ako sa pedia ward. Doon kami nagdu-duty kapag walang PICU patient. Hindi pa rin ako makapaniwala. Nanghihinayang kaming lahat sa nangyari.
Ayoko nang i-detalye ang cause of death. Basta ito ay samu’t saring kumplikasyon dulot ng pulmonary hypertension. Nakadagdag din ang pagiging special child niya sa kanyang kaso.
Sigurado akong mas maayos ang kalagayan mo ngayon kung nasaan ka man.
Mas naa-appreciate mo talaga ang buhay kapag may mga ganyang eksena. Ang hirap din maging nurse, hindi niyo lang alam. Akala ng iba ay pagbibigay lang ng gamot ang ginagawa namin o pagpupunas ng maruruming puwit. Wala pa sa kalingkingan ang nakikita niyo.
Masaya at mahirap.
P.S.
4:15 AM at 7:00 AM (saktong endorsement ng 11PM-7AM at 7AM-3PM shifts) ay nag-code blue pa kami sa isang pasyente. ‘Yung pasyente namin na 7 months old lang at may timbang na 750 grams. Buhay pa naman siya.
Patunay ang mga eksenang ‘yan na mapapanindigan ko talaga ang aking URL.

Natatawa ako sa mga ganyan. Akala mo sila ‘yung walang alam, pero ‘yun pala ay sila pa ‘yung maraming karanasan pagdating sa ganun. Naka-kwentuhan ko kasi ‘yung isang ka-batch ko noong college via Facebook chat, nabanggit niya na nabuntis na raw ‘yung isang kaklase namin dati. Wala namang kaso sa akin ‘yun kasi ikakasal na rin naman siya sa isang taon. Isa pa, buhay niya ‘yun at wala na akong pakialam sa mga gusto niyang mangyari sa buhay niya.

Natatawa lang ako sa reaksyon nung ka-chat ko. Dapat daw eh nag-ingat ‘yung kaklase namin. Hindi raw dapat basta-basta nakikipag-sex. Sana raw eh hinintay na lang niya na ikasal siya. Ulol ka. Hindi mo ba natatandaan ‘yung pangse-seduce mo dati doon sa kapatid nung ka-batch natin? Hindi mo rin ba naaalala na ex-girlfriend ka ng kaibigan ko at sa tingin mo ba ay tanga ako para hindi malaman na nakipag-sex ka na sa kanya dati? Hindi mo ba natatandaan na minsan ka na ring nangaliwa dahil sabay kang nagkagusto sa dalawang lalaki?

Ang sa akin lang, bago mo pukulin ang isang tao ng hindi magagandang salita ay tumingin ka muna sa salamin at isipin mo kung hindi mo rin ginagawa ‘yung mga ibinabato mo sa kanya. Pa-virgin ka pa, eh isa ka rin namang makati.

Bawasan natin ‘yang pagiging “virgin” mo. Tara. Baka nga putok sa loob pa ang trip mo, eh.

Minsan, ‘yan lang ang gusto kong gawin sa buong maghapon. ‘Yung nakaupo lang at nag-iisip ng mga bagay-bagay. Mostly, random. Pwede rin namang habang nakaupo ay nakikinig ng mga feel-good na kanta. Ugali ko rin na tumingin sa mga taong dumadaan. Tinitignan ko ‘yung mga facial expression nila. Mula doon, makakabuo na ako ng random thought.

“Siguro ganyan…”

“Kaya siguro siya nakangiti kasi…”

“Ang lungkot naman niya…”

Yes, I am weird.

Nandito ako ngayon sa Starbucks Festival Mall sa Alabang at nakaupo lang habang nakikinig ng mga kanta ng The Script at Maroon 5. Kapag nakita mo ako, mag-hi ka. LOL

P.S.

Naiinis pa rin ako dun sa sensor ng Oxygen.

Sa wakas, nakapunta na rin ako sa bahay nila. Hindi kasi ako matuloy-tuloy noon dahil sa hindi malamang rason. Siguro ay may kakaibang pwersang pumipigil sa akin para pumunta doon. Nagpunta kami nila Edward, Yeye, Cheeno, at Lois sa Banchetto kahapon upang kumain (malamang). Anniversary ‘yun ng pagpunta namin sa Banchetto. Pagkatapos magpakabusog ay dumerecho na kami sa bahay nila Yeye at doon itinuloy ang kwentuhan, asaran, at tungangaan. LOL

Buti na lang at wala na ang sumpa. Nakatapak na rin ako sa pamamahay nila. Pero bago mangyari ‘yun ay muntik na akong mahagip ng bus at muntik na akong mabagsakan ng side rails ng double deck na kama ni Yeye (na planadong-planado ni Lois). Haha!

November TINAMM: Tsek!(Anong edition ba ‘yung kagabi?)

Masters, saan tayo sa December? Swimming, ice skating, o out-of-the-country trip? LOLJK

Ang tagal na rin nung huli kong naramdaman ito.

Ngayon lang ulit ako hindi napakali sa kinauupuan ko habang nanonood ng sine. Para sa akin, ‘yung bawat galaw sa fight scenes sa Breaking Dawn (Part Two) ang nagdala ng buong pelikula. Bukod sa istorya ng pagiging bampira ni Renesmee Cullen, ‘yung paghaharap ng Cullens (with witnesses) at ng Volturi Clan ang pinaka-nagustuhan ko sa lahat. It was really breathtaking! Ilan sa mga nagustuhan kong parte ng laban ay ‘yung kina Alice, Bella, at Jane pati ‘yung kina Aro at Carlisle. Astig!

Hindi ko inasahan ang buong pangyayari. Maganda ang pagkakagawa at pagkakatagpi-tagpi ng istorya. Kahit hindi ko nabasa ang libro, nagustuhan ko siya. May video clip ba nung buong fight scenes? Kahit ‘yun lang, solb na ako. Literal kasi na napapakapit ako sa upuan habang pinapanood ko ‘yung fight scenes. Gusto ko ulit maramdaman. LOL

Titigil na nga ako sa pagsasalita bilang respeto sa mga hindi pa nakakapanood. Baka ma-bash pa ako, eh. Haha!

Wala akong sinabi na tama ang ginawa niya. Ang punto ko dito ay kung paano siya sagad-sagarang tirahin ng ibang tao base lamang sa isang mabilis na pagkalat ng video. Kung pag-uusapan ‘yung pagiging tama o mali ng kanyang ginawa ay ibang anggulo ng argumento naman. Mema lang. Add niyo na ako sa Facebook. LOL

Nabanggit ko sa post ko kahapon na nawawala ‘yung flash drive ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya mahanap. Naisipan kong mag-check ng bulsa ng mga shorts at pantalon ko. Nagbabaka-sakali na naiwan ko lang doon. Sa kasamaang palad, wala akong nakitang flash drive.

Buti na lang may nakita akong Php70. Pamapalubag-loob.

Hindi pa ako naliligo.

Waaah! Tatlong taon at apat na buwan na akong RN!

Unang beses kong naranasan ang mag-renew ng professional license. Mabilis lang naman ang proseso kapag renewal, ‘yun nga lang, hihintayin mo pa after seven days bago mo makuha ‘yung bagong ID mo. Hindi na sinu-surrender ‘yung luma, sa’yo na ‘yun. Isipin mo, marami kang magiging souvenir habang tumatagal ka sa propesyon mo. LOL

Sa taong 2015 na ulit ako magre-renew ng aking RN license. Sa susunod na taon naman ‘yung sa RM.

P.S.

Hindi pantay ‘yung pangalan ko sa bagong lisensya. Uma-atake na naman ang pagka-OC ko. Haha!