Reviving an almost dead patient.
From heart rate of zero to one-hundred forty-nine (pedia) beats per minute. From oxygen saturation of 4% to 78%. From cold, clammy extremities to “warm to touch.” From “death” to life.
Sa totoo lang, kapag ako ang supervisor-on-duty, madalas may code blue alert. Kaya nga ‘yun ang URL ko, eh. LOL
It just feels good that I am a registered nurse. Hindi sa pagmamayabang, ito ang propesyong kailanman ay hindi dapat mabura sa mundo. Kung wala kami, marami-rami na rin siguro ang biglaang nakipag-meet-up kay San Pedro.
We’re simply the best.
Minsan, nagawa na ng nurse ang intervention bago pa i-order ng doktor. Ikaw pa ang magpapaalala sa doktor kung ano ‘yung mga dapat niyang i-order na nagawa mo na.
Sa totoo lang, base sa sarili kong karanasan, mas magaling pa kaming mga nurse kumpara sa ibang doktor. Magpasalamat pa nga dapat ‘yung ibang pasyente dahil naitatama namin ang mga pagkakamali nila.
Pasyenteng may timbang na 16.5 kg tapos may standing order na Paracetamol 300 mg SIVP q4h for fever 38.5 deg C and above.
Good luck sa atay mo. Ang tamang pag-compute sa Paracetamol IV ay weight multiplied by 10. Samakatuwid, overdose ang pasyente.
IVT to follow: D5 0.3% NaCl 1000 cc to run for 3 hours.
Kahit pag-auscultate mo ay parang nagco-congest na ang pasyente, ganyan pa rin ang IVF to follow? Impending pulmonary congestion. Huwag kayo basta-basta nag-o-order ng IVF. Matuto naman kayong i-assess ang mga pasyente niyo.
MGH (May Go Home) anytime.
‘Yan lang ang order mo? Tatlong araw siyang naka-IV antibiotics sa ospital tapos wala ka man lang oral antibiotics na ipapainom sa bahay? Dapat ma-kumpleto ng pitong araw ang gamutan. Samakatuwid, dapat ay nag-order siya ng oral antibiotics to be given for four more days.
Huwag niyong sasabihin na tanga kaming mga nurse. No offense meant, akala ng ibang tao ay doktor lang ang mahusay. Hindi nila alam na marami ring doktor ang nagkakamali. Marami rin sa kanila ang tila hindi alam ang ginagawa. Buti nga at nandito kami sa tabi nila para maging katuwang sa pagpapagaling ng pasyente.
Ito lang ang masasabi ko, marami ang buhay na nailigtas mula sa maling doctor’s orders dahil sa husay ng nurse na i-clarify ito. Kapwa ko mga nurse, kapag alam niyong mali ang orders ng doktor, huwag kayong mag-atubiling sabihin ito sa kanila. Ipakita ninyong kayo ay matalino, maabilidad, at may kakayahan ding gawin ang nagagawa nila sa kung anuman ang sakop ng ating propesyon.
1st photo: Bachelor of Science in Nursing (2009)
2nd photo: Master of Arts in Nursing (2013)
3rd photo: Doctor of Nursing Science LOLJK
Lumobo ang pisngi ko. Halatang-halata na tumaba ako. Haha.
I have always dreamed of becoming excellent in my chosen field since I passed the Nurse Licensure Examination last June 2009. This photo is a concrete embodiment of all the sacrifices that I made in order to reach another remarkable milestone as a registered nurse. I am and will always be perpetually grateful for the blessings that He bestowed upon me. For the borrowed intellect and aptitude, I am forever thankful.
“Share your success to those who respect and appreciate your worth as a person.”
- Drexel Heinz Magpantay Cruz, RN, RM, MAN
Master of Arts in Nursing (2013)
Say hello to my new baby, guys. Ang sarap lang sa pakiramdam na ipang-tatak ‘yan sa mga dokumentong pinipirmahan ko sa ospital. LOL Another dream come true.
MASTER OF ARTS IN NURSING
Lord, thank you for all the blessings. :)
My standpoint regarding Former Representative Cynthia Villar’s statements.
The damage has been done.
Gumising ako kaninang umaga na hindi masyadong maganda ang mood dahil una, hindi maganda ang panahon at pangalawa, sobrang sakit ng tigyawat ko sa ilong. Sa totoo lang, namumula na ‘yung buong ilong ko at natatakot akong mapunta na naman ito sa cellulitis. Sana ay huwag naman.
“Big Day” kasi ang araw na ito dahil defense ng thesis ko. Noong unang defense, nasabi sa akin ng panelists na malabo na akong maka-graduate ngayong Marso dahil medyo magulo pa ‘yung study ko. Para akong binagsakan ng malaking eroplano nung araw na ‘yun. Bukod sa epic fail ang study ko that time, nawala na rin ‘yung pagkakataon at pag-asa na makasama ako sa mga ma-martsa sa Marso. Ayoko naman kasing maghintay pa ng isang taon (2014) para lamang makasama sa magtatapos. Wala na ‘yung momentum kapag ganun.
Makalipas ang ilang linggo, natanggap ko naman ang kapalaran ko kahit masakit sa loob. Ganun talaga, eh. Wala na akong magagawa. Ini-schedule ulit ako ng thesis adviser ko weeks after nung unang defense para ipakita ‘yung corrections sa panelists. Kapag aprubado, pwede na i-implement ang study. Sa kasamaang palad, tatlong beses na-postpone ang defense. Hindi ko mapigilan ang inis ko dahil pilit ko ngang hinahabol ang Marso (may pag-asa pa rin ako kahit katiting) para maka-martsa. Kung palaging postponed at moved ang araw ng defense, wala na talaga. Sa isip-isip ko, “Ay, talagang hindi na ako aabot sa Graduation Day. Matapos ko man ng April ang study, March 2014 na talaga ako ma-martsa.” Umabot naman ako sa punto na na-conduct ko na ang study at ipapakita na sa panelists ang mga resulta.
Dumating na nga ang araw na ito, ang “Big Day.” Nabansagan ko itong “Big Day” dahil dito nakasalalay ang kapalaran ko. Laking gulat ko na tuwang-tuwa sila sa naipresenta ko. Sobrang laki raw ng pagbabago ng study. Sayang nga lang at hindi na ako aabot sa final defense (formality), pero pwedeng-pwede raw nila ako isama sa Graduation Day this coming March 23, 2013.
I was literally speechless that time. Nagtawanan pa nga ang panelists, eh. Hindi ko naman kasi inaakala na mababaligtad pa ang kapalaran ko. Nakatatak na sa kokote ko na magde-defend lang ako ngayong araw. Hindi pumasok sa isip ko na baka may pag-asa pang maihabol nila ako sa ma-martsa. Basta paggising ko kaninang umaga, ang nasa isip ko lang ay humarap sa panelists ay umuwi na.
Pagkatapos ng defense, pinapunta na ako sa Dean’s Office para mag-fill out ng Graduation Data Sheet. Sinabi na rin sa akin ang guidelines, kung kailan susukatan ng toga, kung kailan ang Baccalaureate Mass, kung kailan ang picture-taking, et cetera. Wala pa rin ako sa sarili ko noong mga oras na ‘yun. LOL Sad to say, kailangan ko pa ring mag-enroll for the final defense on April, formality na lang naman ‘yun kaya ayos na rin. Ang mahalaga ay makakasama ako sa magma-martsa at makukuha ko ang Master of Arts in Nursing degree.
Salamat sa mga tumulong sa akin. Kilala niyo na kung sinu-sino kayo. I owe you a lot and I share this success to all of you.
Para sa mga walang tiwala sa akin,
I am Drexel Heinz Magpantay Cruz, RN, RM, MAN
My name is enough. Eat that! LOL
Nakakatawa ‘yung mga taong panay ang kwento ng kung anu-ano para lang makapagyabang sa’yo, pero sa bandang huli sila rin naman ang napahiya. Ramdam mo naman kasi kapag pinapataas lang ng isang tao ang kanyang ere.
Isa sa pina-practice ko sa buhay ay, “Sige lang, magyabang ka lang. Ako naman after mo.” Gusto ko ‘yung pakiramdam na mare-realize ng isang tao na hindi sa lahat ng bagay ay siya ang mas mataas ang lipad. Gusto ko ‘yung pakiramdam na maiisip niyang, “Ay, hindi pala uubra ang kayabangan ko dito.”
Sa totoo lang, alam ko kasi sa sarili ko kung may mas magaling sa akin. Kapag ganun, hinahayaan ko na lang. Ano ba ang magagawa ko kung mas nakakaangat ang isang tao sa akin? Hindi naman lahat ay pantay-pantay. Hindi mawawala ang mga taong mas mahusay, mas matalino, mas maabilidad, at mas magaling kumpara sa’yo. Marunong ka dapat tumanggap at magpakumbaba.
Pero kapag nararamdaman ko nang lumalakas ang ihip ng hangin sa paligid, ibang usapan na ‘yun. Ayaw ko kasi nung nagbubuhat ng sariling bangko sa harap ng ibang tao. ‘Yung tipong maiparating lang niya sa iba kung gaano siya kagaling.
Minsan, kapain mo rin kung sino ‘yung kinakausap mo. Huwag agad-agad bumira ng mga bagay na baka magpalubog din sa’yo.
Batch mate:“Drex, kumusta na?”
Ako:“Ayos naman, busy sa thesis.”
Batch mate: “Oo nga pala, nabanggit ni <insert name of another batch mate here>. Good luck! Uy, alam mo ba, highly recommended ako ng supervisor namin na maging head nurse ng MS Ward. Bilib na bilib daw sa akin. Hehe.”
Ako:“Salamat! Talaga? Nice naman, ipagpatuloy mo lang ‘yan. Malayo pa mararating mo.” (hindi kami close kaya sakto lang ang mga reply ko sa kanya)
Batch mate:“Ewan ko nga ba. Pero kung tutuusin, mas magaling pa ako doon sa supervisor na nag-rekomenda sa akin. Haha!”
Ako:“Talaga? Ayos ‘yun. Asset ka ng ospital.”
Batch mate: “Sana nga matuloy ‘yung pagiging head nurse ko para naman ma-share ko lahat ng nalalaman ko at malay mo, in few years time, maging supervisor naman ako. Hehe. Mukhang ako lang naman talaga kasi ang pwede sabi nila.”
Ako:“Sana nga matuloy ‘yan. Mukhang marami kang plano. Good luck!”
Batch mate:“Ikaw, doon ka pa rin sa <insert name of hospital here>? ‘Yung post-graduate trainee ka?”
Ako:“Ah, wala na ako doon. Sobrang tagal na nun. Year 2010 pa ‘yun.”
Batch mate:“Sayang, ‘di ka na-absorb? Saan ka na ngayon? Busy lang sa Master’s?”
Ako: “Yup, busy talaga sa Master’s. At the same time ay nagwo-work sa <insert name of hospital here>, three years na ako doon.”
Batch mate:“Saang area ka assigned? Siguro naman staff nurse ka na doon kasi three years ka na. Haha!”
Ako: “Hindi ako staff nurse.”
Batch mate:“Don’t tell me, trainee ka pa rin?”
Ako: “Ako ang head nurse ng Department of Pediatrics (Pediatric Ward and Pediatric Intensive Care Unit). Ako rin ang Training Coordinator for Clinical Areas ng ospital. Hawak ko ang mga trainee na pumapasok sa ospital pati ‘yung mga nursing student na affiliated sa amin. Tapos, reliever din ako ng mga Nurse Supervisor. Buti nga nakakaya ko ng sabay-sabay. Associate pa ako ng Nursing Audit Committee at ng Continuous Quality Improvement Committee ng ospital. Nakaka-stress ng kaunti, pero masaya naman.”
Batch mate:“Ah, ang galing naman.”
Ako:“Salamat. Kaya kung may tanong ka regarding nursing administration and management or tungkol sa mga staffing plan and strategic planning ng area, huwag ka mahiyang mag-consult. ‘Yan ang major ko sa Master’s and sanay na ako sa mga ganyan. Good luck! Sige, una na ako.”
Ako pa niyabangan mo. Kung maayos kang nakipag-usap sa akin, maayos din ang mga isasagot ko sa’yo.
Eat that.
By January 20, resigned na ang isa sa nurse supervisors ng ospital namin. ‘Yung dati kong head nurse ang papalit sa kanya. Samakatuwid, magiging opisyal na ang pagiging head nurse ko. Sa ngayon kasi, parang dalawa kaming head nurse (OIC ako) sa department namin. Basta, mahabang paliwanagan ang set-up na meron kami. Pagdating ng araw ng resignation ng nurse supervisor, mas magiging malinaw ang job description naming dalawa.
Ako, head nurse. Siya, nurse supervisor.
Pero bago ‘yan, may isa munang eksena. Kinausap ako ng nursing director namin at sa akin inalok ang posisyon na iiwanan ni nurse supervisor starting January 20. Unang pumasok sa isip ko, “Bakit ako?”
Sa hinaba-haba ng usapan, nag-decline ako. ‘Yun ay dahil sa isang rason. Ayoko ng issues. Para sa akin, i-alok muna ang posisyon sa mga head nurse. Isa-isahin ang qualifications ng head nurse ng bawat department (ER, ICU, NICU, OR/DR, wards). Tapos, kapag may nag-decline, saka humanap ng iba na maaaring ipalit. Kung clinical at decision-making skills lang din naman kasi ang pag-uusapan, lahat naman ng head nurses ay meron. Kaya, qualified silang lahat.
Ang daming head nurses na mas senior sa akin. ‘Yung iba nga, lampas limang taon na doon. I think, they deserve the position more than I do. Ayokong ma-bypass sila. We should all have equal opportunities. Hindi ‘yung kakausapin lang kung sino ang gustong pumalit sa partikular na posisyon. Dapat, maayos na proseso.
So, sa tingin mo, tama ba ang naging desisyon ko? Magpapasa kasi ako bukas ng “Letter of Refusal.”