Sa totoo lang, wala namang kwestyon sa kakayahan ko kung magiging head nurse ako. Hindi lang yata tama na ilagay ako sa isang area na alam kong maraming mas magaling sa akin. Pagdating sa kaalamang pang-NICU, doble ang husay nila kumpara sa akin. Pagdating sa skills na pang-NICU, doble pa rin ang husay nila kumpara sa akin. Kumbaga, hindi nararapat na ako ang maging “leader” sa area na ‘yun dahil nandun na ang mga beterano. Kilala ko rin naman sila at masasabi kong hindi rin maku-kwestyon ang galing nila kung isa man sa kanila ang magiging head nurse.
Minsan kasi, hindi lang posisyon ang mahalaga para magkaroon ng tinatawag na personal and professional advancement. Ito ang tatlong bagay na isinaalang-alang ko kung bakit hindi ko tinanggap ang posisyon:
Kung magkaroon man ng alinlangan sa kakayahan ko ang sinuman dahil sa hindi ko pagtanggap sa posisyon na ‘yun, wala na akong pakialam. Dapat nilang maintindihan ang tatlong valid at justifiable na rason na ibinigay ko. Isa pa, hindi ko lang naman doon mapapakita at mapapatunayan ang husay ko bilang isang nurse. Hindi ko tatanggapin ang posisyon na alam kong hindi akin at hindi akma sa galing na meron ako.
Alam ko, dadating ang mas malaki para sa akin. ‘Yun ang deserve ko.