EGG PIE
May isang bakeshop dito sa amin na talaga namang masarap gumawa ng egg pie. Ito ang Alvarez’s Bakeshop. Tama lang ang tamis ng kanilang egg pie at sobrang malasa. Kahit ‘yung ibang tinapay nila ay masarap din. Tila malalasahan mo talaga ang bawat sangkap.
Ibang klase lang talaga ang egg pie na ‘yan. Nakaka-adik. Kaya naman isang kahon kami kung bumili. Kulang nga lang ng isang slice. Nasa tiyan ko na.
[ 92/365 ]