Two ampules of epinephrine, a cardiac monitor, and a mechanical ventilator are enough to make me live.
Recent Tweets @
130 beats per minute

First time kong mag-sick leave. Hangga’t maaari kasi ay ayaw kong uma-absent. Kahit nung estudyante pa lang ako, pinipilit ko nang pumasok kahit hindi maganda ang pakiramdam ko huwag lang akong mamarkahan ng absent. Paano pa kaya ngayon na sariling pera ko na ang kinikita ko? Eh di siyempre, mas mahigpit dapat ako sa sarili ko. Kaya lang, dumating talaga sa punto na hindi ko na kinaya at hindi na ako makabangon sa kama. Iba kasi talaga ‘yung pagod ng trabaho kumpara sa pagot ng pagpasok sa eskwela. Ayan, dalawang sick leave tuloy ang na-konsumo ko. Hindi ako pumasok nung Martes at Miyerkules tapos saktong off duty ako ngayong Huwebes. Alam niyo na siguro ang dahilan ng sick leave na ‘yan dahil nag-post ako nung isang araw. Sabi nga sa akin ng mommy ko, buti naman at naisipan ko nang mag-sick leave at hindi na ako nagmatigas na pumasok pa kahit masama na ang pakiramdam ko. Siguro naman, deserve ko na rin ang makapagpahinga.

Balik na ulit ako sa trabaho bukas. Balik na ulit sa mga makukulit na batang pasyente. Ganun pala ang pakiramdam kapag sanay kang pumapasok sa trabaho at bigla kang napatambay sa bahay ng biglaan dahil sa pagkakasakit mo. Nakaka-excite ‘yung pakiramdam. Parang bata na kakatapos lang ng mahabang summer vacation at first day na ulit ng klase kinabukasan.

Maginhawa na ulit ang pakiramdam ko at handa na ulit sumabak sa giyera.

  1. thesweetestgirlyouknew said: ola fellow blogger.:) hehehe
  2. codebluealert posted this