Isang eksena sa teleseryeng (nakalimutan ko ang pamagat) nasulyapan ko kagabi sa ABS-CBN:
(non-verbatim)
Students 1 and 2: (nagtatawanan at nagbubulungan)
Student 3: “Hoy! Teka! May nakakatawa ba?”
Student 1: “Oo, ikaw! Saan ba kasi nilalabahan ng nanay mo ‘yang uniporme mo at ang dilaw-dilaw? Hahahahahaha!”
Student 3: “Eh di sa ngipin mong naninilaw na abot hanggang kwelyo ko dahil hindi ka nagsisipilyo!”
Students 1, 2, and 3: (sabunutan to the max)
Panalo sa pambabara ‘yung bidang bata. Ang galing lang ng punchline at ng pagkaka-deliver. LOL