Naiintindihan ko na nag-aalala kayo sa pasyente niyo. Kami rin naman ay nag-aalala. Ang hirap lang minsan sa inyo ay masyado kayong pakialamero’t pakialamera. Kayo ba ang nakatapos ng Bachelor of Science in Nursing? Kayo ba ang pumasa sa Nurse Licensure Examination? Kayo ba ang may lisensya para i-practice ang nursing profession?
May mga kamag-anak kasi na kung umasta ay akala mo sila ang nurse. Akala mo sila ang mas marunong. Akala mo alam din nila lahat ng ginagawa mo. Kaya nga minsan, kapag hindi na ako nakakapagtimpi sa mga relatives na sobra na ang pakikialam, sinasabihan ko talaga sila na trabaho namin ito at alam namin ang ginagawa namin. Siyempre, sa maayos at malumanay na paraan pa rin.
Pinag-aralan namin ang lahat ng ginagawa namin kaya wala sinuman sa inyo ang dapat kumwestyon lalo na kung wala kayong alam sa trabahong pang-nurse. Maaari kayong magtanong o humingi ng eksplanasyon ukol sa kalagayan ng pasyente at sa lahat ng ginagawa sa kanya, pero wala kayo sa posisyon upang makialam sa kilos namin.
Trabaho at responsibilidad namin na alagaan ang mga pasyente at ibigay ang nararapat na nursing care sa kanila upang sila ay gumaling. Bilang kapalit, trabaho at responsibilidad ninyong mga kamag-anak na sumunod sa amin. Kung hindi niyo alam, nakasaad ‘yan sa Patient’s Responsibilities.
Hindi kami katulong na pagmamay-ari ninyo. Hindi niyo kami binabayaran para lang sundin ang gusto niyo kahit labag na sa mga dapat naming gawin. Hindi kami pagmamay-ari ninuman kahit ng mga doktor. Kami ay hiwalay na propesyon at tanging kami lang mga rehistradong nars ang nakakaalam sa mga gawaing kaakibat ng propesyon na ‘yun.
Wala nang iba.
tama kua!:)