Two ampules of epinephrine, a cardiac monitor, and a mechanical ventilator are enough to make me live.
128 beats per minute

May dilemma akong kinakaharap ngayon na kunektado sa aking trabaho. Kinausap ako ng aking head nurse noong isang araw at nagulat ako sa sinabi niya.

“Drex, pinapatanong ni <insert name of hospital administrator here> kung gusto mo raw maging head nurse ng NICU (Neonatal Intensive Care Unit)? Magre-resign na kasi si <insert name of present NICU head nurse>.”

Napaisip ako bigla. Ang unang pumasok talaga sa isip ko ay bakit sa akin inaalok ang posisyon na ‘yun. Marami namang mas senior sa akin at bakit hindi mismo sa NICU staff kumuha ng susunod na head nurse. Sa totoo lang, gustuhin ko man magkaroon ng posisyon, mas pinili kong huwag na lang tanggapin ang nasabing alok.

Una, ayokong magkaroon ng conflict sa pagitan ko at ng ibang tao. Malamang, magiging issue ‘yan dahil bigla akong inalok ng mataas na posisyon kahit maraming mas karapat-dapat kaysa sa akin. Alam niyo naman sa workplace, talamak ang paninira. Ikalawa, mas deserve ng mga taga-NICU na sa kanila manggaling ang susunod na head nurse. Mas gamay nila ang area nila kumpara sa akin na sa pedia ward/PICU nagdu-duty. Kahit parehas bata ang hinahawakan namin, may malaking pagkakaiba pa rin. Nakakahiya naman siguro kung papasok ako bigla sa area nila as head nurse tapos sila pa ang magtuturo sa akin, ‘di ba? Panghuli, mas gugustuhin kong maging head nurse sa sarili kong area kaysa sa iba. Siyempre, ibabahagi mo na lang din ‘yung nalalaman mo, bakit hindi pa doon sa area kung saan mo nalinang ang skills mo bilang nurse?

Ang posisyon, makakapaghintay. Minsan, kailangan nating isaalang-alang ang maraming bagay lalo na ang mga taong nakapaligid sa atin bago tayo magdesisyon. Mas gugustuhin ko na lang muna na maging normal na staff nurse kaysa maging head nurse na may nakakakabit na issues. Malalaman ko naman sa sarili ko kapag deserve ko na ang posisyong ibibigay sa akin. Isa pa, hindi rin kasi sa titulo lang makukuha ‘yung fulfillment. Mahirap panindigan kapag napilitan lang.

Sa tingin niyo, tama ang ginawa ko?

  1. generalchels answered: kung san ka mas masaya dun ka, kasi may attachment na din, tsaka hindi lang once magknock ang ganyan, pwede pang maulit lalo kung deserving
  2. angbabaengmayscrotum answered: Medyo nakakahinayang pero tama lang po ‘yung ginawa mo. :)
  3. tr1n1tr0t0luene answered: Tapusin mo na muna yung MAN mo para sigurado tapos isampal mo sa mga maninira sayo. Hahahaha.
  4. twistedsatisfaction answered: sayang lang yung opportunity kuya pero kung yan sa tingin mo tama, kaya lang din ;) Grabe naman pati ba naman yan mai-issue? Haha
  5. classydreamer answered: agree!
  6. futurenurselei said: tama kuya :) may same scenario din po kasing nabanggit yung CI namin nitong summer. aprub po ako sa desisyon nyo :)
  7. codebluealert posted this