Two ampules of epinephrine, a cardiac monitor, and a mechanical ventilator are enough to make me live.
187 beats per minute

Parang nawawala na ‘yung interes ko sa pagsusulat at pagba-blog. Totoo pala ‘yung sinasabi ng iba na dadating sa punto na parang maba-blangko ‘yung isip mo. May oras na ang daming tumatakbong ideya sa kokote mo kaya lang hindi ka naman online kaya wala kang mapaglabasan (ang sama pakinggan). Kapag online ka naman, parang hangin lang ‘yung laman ng utak mo. Nitong mga nakaraang araw, hindi ako naging palakwento sa mga nangyayari sa buhay ko. Tamang one-liners lang at re-blogs na related sa nursing. Tapos panay online check lang at pagra-rant, pero buburahin din makalipas ang ilang minuto.

Ewan ko ba. Naguguluhan na ako. May kakaiba sa akin.

I’m hopeless.

  1. lynxsis said: keep a handy notebook with you all the time! :) i do that kasi to keep my thoughts with me. para di makalimutan. or sa phone. notes. :)
  2. hazelezah said: True. Isang taon na ata akong blangko. Chos. Pero hindi naman puro drama lang ang pwedeng iblog. :)
  3. codebluealert posted this