Una sa lahat, paumanhin sa hindi magandang kalidad ng larawan.
According to Wikipedia, obsessive–compulsive personality disorder (OCPD) is a personality disorder characterized by a pervasive pattern of preoccupation with orderliness, perfectionism, and mental and interpersonal control at the expense of flexibility, openness, and efficiency.
May ganyan ba kayo? Aminado kasi ako na OC ako sa buhay lalo na pagdating sa mga gamit ko. Alam ko kapag may nagalaw o kapag may nawala sa kwarto ko. Napapansin ko agad kapag nagalaw ng kaunti ‘yung bentilador ko o kapag naiba ‘yung pagkakaayos ng mga libro ko. Naaayon din sa kulay at style ang pagkakahanay ng mga damit ko. Sama-sama ang pareho ng kulay, pero kailangang mauna muna ang t-shirt sa long sleeves at polo. Hindi ko maipaliwanag ‘yung pakiramdam ko kapag may nagugulo sa mga gamit ko. I feel uneasy.
May ilang bagay din na hindi ko napapansing OC na pala ako. Kapag ila-lock ko ‘yung gate namin, kailangang pa-kanan ang pasok nung padlock sa butas. Ewan ko kung na-i-imagine niyo ‘yung sinasabi ko. Tapos, tinitignan ko talaga ‘yung earphones ko kung L o R bago ko ilagay sa tenga ko. Pantay-pantay dapat ang identification cards at ATM cards sa wallet. Kapag nagbabayad ako sa dyip, kailangang nasa itaas ng buong limang piso ‘yung mga piso. Kapag maglalagay ako ng swero sa bata, gusto ko ay limang pantay-pantay na mahahabang micropore strips at limang pantay-pantay na maiikling micropore strips ang nakahanda. Bukod pa doon ‘yung isang leukoplast strip at isang micropore strip na pang-anchor.
Marami pa. Parang tanga ako ‘no?
May kuneksyon ‘yang larawan na nasa itaas. Gusto ko sanang kumain nung saging na hindi nilaga, kaya lang nung nakita kong apat ‘yung nilagang saging, pinili ko na ‘yung nilagang saging na nga lang ang kainin. Kapag kasi ‘yung hindi nilaga ang kinain ko, dalawa na lang ang matitira. Hindi sila magiging pantay sa bilang. Ngayon, parehas na silang tig-tatlo.
LOL