March 2012
1 tag
2 tags
Ma'am, tres na naman?
“Grades lang ‘yan! Figures lang ‘yan!”
Ulul.
Oo, naniniwala ako na pagdating sa trabaho ay hindi na mahalaga ‘yung marka na nakuha mo noong nag-aaral ka pa lang. Hindi ka naman kasi tatanungin kung ano ang final grade mo sa College Algebra o kung uno ang nakuha mo sa Humanities. Mataas o mababa man ang nakuha mo, wala nang pakialam ‘yung iba. Pero hindi ako...
1 tag
9 tags
3 tags
Bawal tumawid. Mamamatay ka.
Kapag nagmamaneho ako, madalas akong bumusina ng malakas lalo na sa mga tao na parang naglalakad sa parke. Nakakainis ‘yung mga tao na akala mo ay nasa subdivision kung maglakad. May iba na nagtatawanan pa at walang pakialam sa mundo. May iba naman na parang wala sa sarili at nagmumuni-muni pa. Hoy, nasa daanan kayo ng mga sasakyan kaya magsitabi kayo kung ayaw niyong mapilayan at mabalian...
4 tags
TFR #007
Hindi dahil purong Filipino ang linggwaheng ginagamit ng isang manunulat o ng isang blogger sa kanyang mga sinusulat ay hindi na siya mahusay sa paggamit ng wikang Ingles. Minsan, sadyang mas masarap lang maglahad ng saloobin gamit ang sariling wika.
2 tags
RANDOM FACT #142
Sobrang adik ako sa amoy ng gasolina, marker, kandilang hindi pa nasisindihan, at bagong libro. Kapag nasa gasolinahan ako, binubuksan ko pa talaga ang bintana ng kotse para maamoy ‘yung gasolina. Ganun din sa marker, bago ko ilagay ang takip ay sisinghutin ko muna ng kaunti. ‘Yung sa kandila at libro naman, normal lang. Masarap sa pakiramdam.
2 tags
2 tags
1 tag
Ano ka ba! Hindi ako famous! Hehe!
– ang sabi ng isang Tumblr famous na pa-humble
1 tag
2 tags
The odds have never been and will never be in my...
4 tags
TFR #006
Masarap mag-masturbate.
3 tags
Indubitably, being famous is and will always be an...
1 tag
Teacher, hindi ko po alam na may homework.
Kapag dumating sa punto na isa na akong propesor o clinical instructor (hindi ko alam kung kailan) at nagtuturo na ako sa mga estudyanteng nagnanais na maging mahusay na registered nurses, hindi ko sila pahihirapan tulad ng naging pagpapahirap sa akin nung iba kong clinical instructors noong kolehiyo at ng isa kong propesor ngayon sa master’s degree.
Mabuti sana kung napapantayan nung...
4 tags
4 tags
TFR #005
Huwag na tayong maglokohan dito. Tigilan na ang pauyuhan. Aminin mo man o hindi, mayroong famous sa mundo ng Tumblr.
4 tags
2 tags
5 tags
4 tags
TFR #004
Ang tao ay sanay manghusga ng kanyang kapwa base sa panlabas na kaanyuan. Hindi man intensyon ng isang tao na makasakit ng damdamin dahil sa panghuhusga, hindi ito maiiwasan dahil natural ito sa isang tao. Madali tayong madala sa mga bagay na agad-agad nakikita ng ating mga mata.
1 tag
Good night, people of Tumblr.
Masaya ang araw na ito kahit nakakapagod. Oo, nakakapagod mentally and physically. Kaninang umaga kasi ay halos ma-drain ang utak dahil sa aming midterm exams. Ang sakit pa sa kamay dahil puro sulat. Tatlong pagsusulit ang kinuha ko ng magkakasunod upang makaabot sa oras ng pagkikita namin ng mga kaibigan ko dahil manonood kami ng The Hunger Games. Sa kabutihang palad ay nakaabot naman. Bumuhos pa...
2 tags
May the odds be ever in your favor.
(SPOILER ALERT)
Huwag pansinin ang post na ito kung hindi ka pa nakakapanood ng The Hunger Games.
Hindi ko pa nababasa ang The Hunger Games series, pero kung iba-base sa pelikula, maganda ang plot nito. Mahusay ang ideya at konsepto ni Suzanne Collins. Kakaiba ‘yung atake niya sa bawat eksena. Ang ganda rin nung ideya na post-apocalyptic ang panahon kung saan may pagkakaiba sa mga bagay na...
3 tags
4 tags
Mag-isip nga kayo, please.
Hindi na naman ako nakapagpigil kanina habang kaharap ko ang tiyahin ng isang pasyente.
Naglalagay kasi ako ng Ceftriaxone, na isang klase ng antibacterial, sa volumetric chamber na nakakabit as piggy back sa main line ng pasyente. Matapos kong haluan ng 20 ml na D5W ang nasabing gamot, biglang sumabat ang tita,
“Bakit ganyan ang ginagawa mo? Hindi ba dapat haluan mo pa ng ibang klase ng...
5 tags
TFR #003
Masakit man isipin, pero nadadagdagan bigla ang bilang ng kaibigan mo kapag may kailangan ang tao sa’yo. Diyan magaling ang iba. Sa paghingi ng pabor at tulong sa oras ng kagipitan tapos mawawala bigla kapag nakuha na nila ang hiningi nila.
3 tags
Minsan, isipin niyo naman na may utang na loob...
Tama si Edward sa post na ito.
Dahil nga isa akong pediatric nurse, alam ko na natatakot ang mga bata kapag nakakakita sila ng doktor at nurse. Hindi ko sila masisisi dahil bata pa sila na hindi pa mature mag-isip. Nakakainis lang ‘yung mga kamag-anak na imbis na gawing maganda ang imahe namin sa mga bata ay pinapasama pa lalo. Akala nila, nakakatulong sila kaya lang hindi. Hinding-hindi.
...
2 tags
2 tags
Issues are Tumblr's main course for breakfast,...
1 tag
Huwag mong pakialaman ang sarili kong desisyon.
Kaya kong i-assess kung sino ang dapat kong kampihan sa isang laban. Hindi mo na kailangan pang ipamukha sa akin kung anong meron ang isang tao para kampihan ko siya. Huwag mong ipilit sa akin ang mga bagay na kaya ko namang alamin. May sarili akong pag-iisip at alam ko kung paano ito gamitin.
Kung kampi ka kay TumblrFriend #1, wala akong pakialam. Kung kampi ka kay TumblrFriend #2, wala rin...
1 tag
Overfed.
“You say you love rain, but you use an umbrella to walk under it. You say you love sun, but you seek shade when it is shining. You say you love wind, but when it comes you close your window. So that’s why I’m scared when you say you love me.”
Nagmula raw ang mga katagang ‘yan kay Bob Marley. Totoo ba? Kung oo, eh ‘di ayos.
Ito lang ang sa akin,
Hindi ibig...
4 tags
TFR #002
Minsan, hindi natin napapansin na pinagpala na pala tayo. Ang madalas kasi nating pagtuunan ng pansin ay ‘yung sakit na nararamdaman natin at ‘yung mga pagkakamali na nagagawa natin. Nakakalimutan natin na marami pang dahilan upang maging masaya at kuntento.
4 tags
TFR #001
Kapag sinabi mong matalino ka at talaga namang matalino ka, sasabihin ng ibang tao na mayabang ka. Kapag sinabi mo namang hindi ka matalino at talagang matalino ka, sasabihin naman nila na masyado kang pa-humble. Kaya minsan, hindi alam ng ibang tao kung saan sila lulugar dahil sa perception ng kapwa nila sa kanila.
4 tags
Inside Malacañang.
Na-e-excite ako sa dokumentaryong ito. Ilang minuto na lang at mapapanood na ng buong Pilipinas sa National Geographic Channel ang isang makasaysayang palabas. Oo, masasabi kong makasaysayan siya dahil sa dalawampu’t apat na taon kong nabubuhay sa mundong ito, ngayon ko lang masisilayan ang pasikot-sikot ng Palasyo. Naiintriga rin ako doon sa “secret chambers” na sinasabi nila...
2 tags
Mga bagay na na-realize ko ngayong week:
Piliin mo lamang ang mga taong pagkakatiwalaan mo sa trabaho. Iba-iba kayo ng edad, iba-iba kayo ng background. Hindi tulad noong high school at college na halos magkaka-edad at sabay-sabay na nagsimula. Imposibleng walang plastik at traydor diyan. Partida, hindi mo na nga kilala at ka-close ‘yung iba pero nagagawa ka pa rin nilang siraan.
Sa oras ng kagipitan, makikita mo talaga kung sino...
2 tags
1 tag
Dahil sa mga butihing kaibigan ko dito sa Tumblr,...
Mababaw ako pagdating sa mga bagay na kaka-discover ko pa lang. Tulad na lang nito. ‘Yung pag-verify ng isang professional sa registry books ng Professional Regulation Commission (hindi Philippine Regulation o Regulatory Commission). Basta, natutuwa ako. LOL
Nurse:
Midwife:
Kaya naman kung may kilala kayong mga taga-Tumblr na hindi kayo sure kung talagang licensed professional, pwede...
1 tag
Asdfghjklbahgdsfcn.
I wonder, may ipinanganak ba talaga na malas? O sabihin nating, lapitin ng kamalasan? Siguro, meron. Sa kabila ng pag-iingat ko, ako pa rin kasi ang hinahabol ng kamalasan. Sabi ko noong bandang first week ng January, “Uy, mukhang magiging maganda ang takbo ng 2012 ko!”
Para tuloy gusto ko nang bawiin ‘yung sinabi ko. Magkakasunod kasi ‘yung hindi magandang...
1 tag
1 tag
Hindi dahil opinionated ka ay matalino ka na.
1 tag
What is your favorite foreign television series?
I will forever be a fan of House MD.
2 tags
Pinili ko ito kaya dapat ay panindigan ko.
Sa totoo lang, request shift ko para sa linggo na ito ay 3-11 PM. Granted naman dahil wala namang problema sa ospital kapag pagre-request ng shift at off duty ang pag-uusapan. Kaya ako nag-request ng PM shift ay para makagawa ako ng paper works sa madaling araw. Doon kasi gumagana madalas ang utak ko. Noong college, madalas akong ginaganahan mag-review kapag madaling araw na. Since epektibo nga sa...
3 tags
Minsan, naiinis ako sa sarili ko kapag mutual ang pagkakaintindi ng ibang tao sa isang bagay o ideya at iba ‘yung sa akin. Tapos marami ka na ring nakausap na ibang tao at talagang wala kang makita na kaparehas ng iniisip mo. Pakiramdam ko may diperensya ako. Pakiramdam ko mali ‘yung activity ng utak ko.
2 tags
2 tags
"Ano-anu ang frustrations mo noong college?"
May nag-TA sa akin nung isang araw at ‘yan ang tinanong niya. Sinagot ko siya ng, “Madami, eh.” Oo, hindi malinaw at hindi direkta ‘yung sagot ko sa kanya kaya naman ginawa ko ang post na ito. Medyo bangag kasi ako noong oras na ‘yun kaya naman hindi ko na nagawang i-elaborate pa.
Frustrations? Oo, marami. Pero siyempre, mas marami pa rin ‘yung tagumpay kaysa...
2 tags
I need three more blogs.
I’m currently following ninety-seven wonderful and talented people. Since obsessive-compulsive personality disorder has just been activated a couple of minutes ago, I want to close the deal and make it a hundred.
Any recommended blogs? Nursing-related, photo blogs, text posts, et cetera.
(?)
4 tags
I "heart" you.
Kakaiba talaga ‘yung ibang tao. Wala naman akong sama ng loob dun sa mga nagkakamali ng basa sa aking URL, pero siyempre hindi ko maitatanggi na medyo naiinis ako. Short-term na inis lang naman kaya huwag kayong mag-alala. Isa lang talaga ang sobrang kinaiinisan ko. ‘Yung namimilit na palitan ang URL ko dahil hindi raw “alert” ang pagkakabasa nila sa...
4 tags
3 tags
4 tags
Oh, hepa lane.
Before:
After:
(Got the second photo here: FEU Stolen Shots)
Parang ang laki ng nawala sa akin nung makita ko ang ikalawang larawan. Buong buhay ko kasi noong kolehiyo ay kasa-kasama ko na ang lugar na ‘yan. Diyan kami kakain kapag break time. ‘Yung tipong babaybayin talaga namin ‘yung kahabaan ng kalye R. Papa at kakain ng kung anu-ano. Kapag may meeting kami ng group...