Dahil tinatamad akong mag-type ng panibagong entry, screen shot na lang mula sa Facebook. LOL
Ayoko ng Copy-Paste. Mas trip ko ang screen shot.
Kapag may foreigners na nagbibigay ng negatibong komento tungkol sa mga Pilipino at sa Pilipinas mismo, halos magsalubong na ‘yung mga kilay natin sa sobrang inis. Komento dito, komento doon. Tulad na lang nung nabasa kong artikulo sa isang website. Isang Australian citizen ang nagrereklamo sa facilities ng Ninoy Aquino International Airport pati sa sistema ng isang partikular na airlines. Hindi niya nabanggit kung anong airlines ito. Basta nabanggit lang niya na hindi siya kuntento sa serbisyo at pamamalakad na ibinibigay nito sa mga turistang dayuhan.
“It shows how poor this country is.”
‘Yan ‘yung pinakatumatak na statement sa akin mula doon sa nabasa kong artikulo.
Habang binabasa ko ‘yung artikulo, napapansin ko ‘yung mga nagngangalit na reply ng kapwa natin Pilipino. Hindi ko naman sila masisisi dahil initial reaction ang mainis o magalit sa sinumang nang-aapi o nanghahamak sa sariling bansa lalo na kung tina-tag mo ang sarili mo bilang isang “Proud Pinoy” at lalo na kung nagmula ang panghahamak mula sa foreigners.
Isa ka nga bang Proud Pinoy?
Ang sa akin lang, isipin natin kung bakit ganun ‘yung nagiging reaksyon ng mga dayuhan. Oo, maraming dayuhan ang pumupunta sa atin upang mamasyal at mag-negosyo, pero marami ring dayuhan ang hindi na bumabalik dahil sa pangit na karanasan nila sa ating bansa.
Proud Pinoy?
Marami namang talaga tayong dahilan upang maipagmalaki nating Pilipino tayo. Kaya lang, isipin natin kung bakit ‘yung mga hindi Pilipino ay hindi makita kung bakit proud tayong maging Pilipino.
Matigas kasi ang ulo ng iba plus the bullets.
P.S. Yes, we are a poor country. Huwag tayong magalit sa isang obvious na katotohanan.
Kumusta kayong lahat? Ayun, kakabalik ko lang kanina mula sa lalawigan ng Camarines Sur. Halos bente-kwatro oras din kaming bumiyahe dahil sa mga aberyang naganap na nagdulot naman ng isang masayang adventure. Hehe!
Isa sa hindi niyo dapat palampasin ang mga isla sa Caramoan. Iba kasi ‘yung ganda ng halos magkakatabing isla. Masarap ‘yung pakiramdam ng palipat-lipat ka ng mga isla. Nasaktuhan pa nga namin na nandun ang buong crew ng Survivor: US Edition kaya lang hindi kami hinayaang makalapit dahil confidential daw ang makikita doon. Nalaman din namin na marami na palang mga bansa ang nag-shoot doon para sa sarili nilang season ng Survivor.
Wala lang. Nag-update lang ako sa mundong ito. Para kasing wala nang buhay ‘yung blog ko, eh. Tapos sunog na sunog pa ‘yung balat ko. Ayos! LOL
Malapit na rin pala akong mawalan ng balanse diyan dahil sa sobrang pino ng buhangin. Ayan oh, halata naman. Haha!
I think, this is the ideal meet-up for all registered nurses. Sigurado akong magda-dalawang-isip ang iba na pumunta kapag ganyan ang activity. LOL
Kapag nag-organize ako ng “Intravenous Catheter Insertion Meet-Up,” pupunta ka ba? Non-nurses are welcome, too. Hehe.
(c) polyethyleneterephthalate
Kakauwi ko lang mula sa despedida party ng dalawang colleagues ko sa pedia. Masaya ang buong gabi. Kwentuhan, tawanan, kainan, kantahan, inuman, etc. Lahat na siguro ng klase ng tawa ay naitawa na kanina. Ganun kasi kami palagi kapag magkakasama. Literal na parang mga bata tulad ng mga pasyenteng inaalagaan namin. Saka hindi lang trabaho ang dahilan kung bakit kami pumapasok. ‘Yung mga tao na kasama mo sa trabaho ang isa mismo sa mga dahilan kung bakit gusto mong pumasok. Bakit? Masaya kasi.
Habang palalim na ng palalim ang gabi, nararamdaman ko ‘yung lungkot. Masasabi ko kasi na kami ‘yung area sa ospital na pinaka-close sa isa’t isa. Walang siraan at walang laglagan. Solid, kumbaga. OA man pakinggan, pero pamilya ang turingan namin sa isa’t isa. Kaya naman kapag may umaalis na kasamahan ay malaki ang nagiging impact sa amin. Isa pa naman sa pinaka-close ko sa pedia ‘yung isang aalis kaya talagang ramdam ko ‘yung lungkot. Hindi kasi ito tulad ng high school at college na sabay-sabay kayong aalis at haharap sa bagong mundo. Sa mundo ng mga nurses, may umaalis at may naiiwan.
Hindi mo naman mapipigilan ang desisyon nila dahil ‘yun ang sa tingin nila ay makakabuti sa kanila at sa kanilang pamilya. Tanggapin na lang talaga na may mga bagay sa mundong ito na hindi permanente. May umaalis, may naiiwan.
Aalis na sila sa Biyernes. Nalagasan na naman kami ng pwersa.

Kulang pa ng anim na pedia staff ‘yung nasa larawan. Hindi nakapaunta ‘yung iba dahil nasa duty. Kung hindi lang dahil sa mga ‘yan, matagal na akong nag-resign. Hehe.
Guess who’s back? LOL
Baliwan nights with masters @sirseaweedbrain, @foreversabaw, @polyethyleneterephthalate, and @ampulesandvials.
Ang tagal na rin nung huli ako nag-post ng text post dito. Pakiramdam ko kasi nauubusan na ako ng mga pwedeng ikwento. Pakiramdam ko rin ay unti-unti nang nawawala ‘yung interes ko sa pagsusulat o pagba-blog. Kapag hindi ko kaharap ang laptop, napakadaming ideya ang pumapasok sa isip ko. Napakadaming kwento ang nais kong ilahad. Pero oras na humarap na ako sa monitor ay nawawala na lang sila bigla. Tila gusto nilang maging pribado na lang. Ang hirap naman minsang pilitin ang sarili na magsulat dahil wala ka talagang mapipiga. Marami namang nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw, pero parang blangko talaga kapag nasa Tumblr na.
Ewan. Hindi ko alam.
Marami akong pwedeng ikwento kung tutuusin:
Hindi ko talaga alam kung bakit nawawala ‘yung interes sa pagsusulat. Sa tingin niyo, bakit?